NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA
Bill Gates, Katy Perry, Walt Disney, Oprah,
Pia Wurtzbach. Alam natin na mga matagumpay na tao ang mga ito. Subalit
nagtataka man ba kayo paano sila naging ganito? Paano ba nila naabot ang
kanilang mga ambisyon? Simple lang iyon: nakuha nila ang inspirasyong iyon mula
sa isang simpleng pangarap.
Mayroong iba’t
ibang klase ng pangarap: pangarap sa pag-aaral, pagkakaibigan, pag-ibig,
negosyo, ang magiging buhay natin sa kinabukasan at iba pa. Magkaiba man ang
mga bagay na ito, mayroon silang parehong layunin: ang makamit ang
pangarap na iyon. Subalit ang pangarap ay mananatiling panaginip kapag hindi
tayo kikilos upang magtagumpay. Kailangan natin ipagpawisan ang pangarap na
iyon upang magkatotoo. Ngunit dapat rin natin tandaan na hindi palagi kakampi natin ang buhay. Minsa’y maranasan natin talaga ang masakit na pagkabigo. At
doon palagi mawawalan ng pag-asa ang isang tao. Pero kailangan natin marunong
tumayo muli. Paulit-ulit natin maririnig ito pero ginagawa ba natin kapag
nabigo tayo? Huwag mong ikahiya na bumagsak ka. Ang tunay na kahihiyan ay kapag
ayaw mo na bumangon muli. Ang buhay ay parang sugal. Dapat tayong magbakasakali
para sa mga pangarap ibig natin makamit. Walang mawawala sa iyo kung subukin mo
ang mga hamon binibigay sa iyo ng buhay. Huwag rin kalimutan na gamitin ang mga pagkakamali mo bilang mga aral na makapagturo sa iyo sa magiging hamon mo sa
huli.
Libre ang mangarap kaya dapat pagsikapan
natin iyon dahil libre na nga sa simula, babayaran ka pa ng tagumpay sa mga
sakripisyo nagawa mo para sa mahalagang pangarap na iyon.